A Quest

understanding reconstructions in life

Archive for 2002

2002: Untitled VII

Ewan ko ba kung bakit ganoon
Di matigilang isipin
Ang mga problema sa buhay
Gusto ko nang kalimutan
Ngunit di ko magawa
Sana lang, may magsabi sa akin
Kung anong nangyayri
Kung bakit ako nagkakaganito
Para na akong nababaliw
Sana lang mawala na lang ako.
Biglang mawala parang bula
Minsan, hindi lamang mawala
Kundi mamatay na.
Oo, gusto ko nang mamatay at mawala
Nang di ko na nararanasan
Ang sakit na aking nararamdaman
Ayoko na, suko na ako
Di ko na kaya, bibigay na ang buo kong pagkatao
Kasama ang isipan, pakiramdam, at buong katawan.
Sana lang, kung di man ako mamamatay
O di kaya’y mawala,
May makapagsabi at ipaintindi sa akin
Ang kakaibang nangyayari sa akin.
Sana mawa na lang
Ang pakiramdam ko
Bakit kaya ganoon?
Akala ba Niya makabibiti sa akin iyon?
Akala ba Niya kakayanin ko ‘yon?
Akala ba Niya natutuwa ako?
Puwes, mali ang akala Niya.
Ano bang gusto Niyang mangyari?
Bakit binigyan Niya ako ng ganitong pagsubok?
AAAAAHHHH!!!!!!
Sasabog na talaga ang ulo ko,
Pati ang puso ko.
Pagod na ako
Sa buhay na ito
Bakit di na lang
Magkaroon ng normal na pamilya?
Pagod na rin ako
Sa patuloy nilang di pagpansin sa akin.
Kanino ba ang problema?
Sa akin? Sa kanila?
Nababaliw na talaga ako.
Di ko na talaga ‘to kaya.
Bakit ganoon?
Ayoko na talaga!
Sana matapos na!
Matapos nang lahat ng ito.
Sawang-sawa na ako
Sa ganitong buhay.
Dapat matapos na
Ang lahat ng ito
Pati ang aking buhay.
Ayaw na ayaw ko na!
Paano ba mawawala
Itong sakit na nararamdaman ko?
Bakit ba
Di na lang manhid ang mga tao
Sa mga masasakit na pangyayari?
Bakit di na lang
Puro pagmamahal at magagandang pangyayari
Ang magpuno sa aking puso?
Bakit kailangang makaramdam ng sakit
Sakit na kaylanman di makakaya?
Bakit?

2002: Untitled VI

October 28
Lovely sun, lovely sun
How I love to watch you set
Seeing you half gone in the west horizon,
It seems that all my worries are also half gone.

A loner loves you
Keeping his mind at peace
Giving all the hope
That tomorrow will soon be here

2002: Katotohanan

April 30
Sa mundong ito, laging may kaguluhan. Mga batang palabuy-laboy lamang sa mga kalsada. Mga sindikatong gumagawa ng iba’t ibang ilegal na bagay. Mga babaeng lulong sa prostitusyon. Mga taong lulong sa iba’t ibang bisyo. Ultimo mga lider sa ating bansa ay namumuno rin sa mga kaguluhan.

Sa mundong ito rin ay maraming mga tao na bulag at nagbubulag-bulagan sa gma nangyayari sa mundong ibinigay sa atin. Ang mga taong ito ay walang pakialam sa iba basta’t mabuhay lang sila. Di nila alam na sa walang kaalaman nila sa mundong kanilang kinagagalawan ay ang siyang hahatak sa kanila papunta sa kanilang katapusan.

Ang mga taong ito ay karamihang mga taong sakim. Mga matatanda na o yung mga taong nasa adult life na. Buti pa ang mga bata. Mulat ang kanilang dalawang mata sa katotohanan. Ang katotohanang hindi madaling mabuhay dito sa gitna ng mga kaguluhan.

Siguro’y aayos lang ang mundong ito kung lahat ng tao’y magtutulungan sa ikaaayos ng gobyerno at siguradong kahit papaano ay magbabago ang mundo. Ngunit di pa rin siguro mawawala ang mga taong sakim. Dahil dito sa ating mundo ay may iba’t ibang klaseng tao.

2002: True Love

April 15
Many people love and just love
But they just don’t know how,
How complicated it is to know.
True love, they say,
Means to understand, give way,
True lovers have trust and wisdom
These are the elements of love
You know you are in love
If you’re happy whenever your loved one is happy
Infatuation is not love
Nor obsession
These does not have the elements
The elements needed to have a relationship…

…a relationship that is strong
And will last forever.

2002: Untitled V

April 15
As the sunset burns away
So is our love
It goes down with the sun
As if it will never rise again

Thorns fill our hearts
And so ache is born
It is born in hatred and fear
That it doesn’t know when to end

But one day for sure
True love will always rise again
Because it is written in our hearts
As Jesus’ resurrection is written in the Bible.

2002: Jackstone

“Uy, dead ka na!”
“Hindi pa no!”
“Dead na!”
“Hindi pa!”
“Ay naku, ayaw ko na ngang makipaglaro sa’yo.”
“E di ‘wag. Walang pumupilit sa’yo!”

Simula pa lamang noong bata pa kami, mga limang taong gulang, iyan na lagi ang maririnig mo sa amin tuwing maglalaro kami ni Shine ng jackstone. Kapag narinig mo ang ma salitang iyan ay alam mo nang tapos na kaming maglaro.

Kami ni Shine, o Sunshine, ay matalik na magkaibigan. Naaalala ko pa noong una kaming nagkakilala. Ipinagtanggol niya ako sa mga walang magawang mga bata sa aming lugar. Kalilipat pa lang kasi namin noon. Hindi agad siya nagpakilala subalit inalok niya ako nang paglalaro ng jacksone. Hindi ko pa alam kung paano ito nilalaro kaya tinuruan niya ako. Saka siya nagpakilala sa akin at ganoon din ako.

Lumipas ang panahon at kami’y lumaki na. nakatapos na ng elementarya at pumasok sa sekondarya. Nakatagpo kami ng magkaibang grupo ng magkakaibigan o sa madaling salita ay barkada. Kaya lamang ay mukjang di magandang barkada ang napasukan niya.

Lumaki si Shine sa mga pangaral ng kaniyang mga magulang. Mabait siyang anak at kaibigan. Alam niya ang tama at mali. Minsan nga napapangaralan niya rin ako. Kaya lang nitong mga huling araw lagi siyang natutulala. Parang hindi na siya ang dating Shine na nakilala ko. Hanggang sa makahanap na nga kami ng sarili naming barkada. Hindi pa rin siya masaya. Alam ko ito dahil kilala ko siya. Nagkasama kami sa maraming tag-ulan at tag-araw. Pero ngayon di ko alam kung bakit ayaw niyang sabihin kung anong problema.

Lumipas ang mga araw at parang nagrerebelde na si Shine. Gabi na siya kung umuwi at parang laging wala sa sarili. Iniisip ko pa nga kna baka nag-dodroga siya pero ayaw kong tanggapin ang ideya. Hindi niya magagawa yun. Kilala ko siya.

“Hay naku! Nakakaantok talaga. Kasi kung bakit nagsabay-sabay yung mga projects natin e.”
“Oo nga. Hindi na ba nila tayo pagpapahingahin?”
“Ay nako, puro reklamo kayo. Buti nga binigyan pa tayo ng one week extension.”
“O sige na, umuwi na lang tayo ngayon.”
“Alam mo, tama ka e. Gabi na nga. Lika na baka hinahanap na tayo sa atin.”

Habang naglalakad ako pauwi sa aming bahay galing sa eskuwelahan, napatingin ako sa langit. Nakakita ako ng maraming bituwin at higit sa lahat ng isang shooting star. Humiling ako. Ang hiniling ko ay sana malaman ko ang problema ni Shine. Ilang sandali pa ay nakita ko siya na nakaupo sa may hagdan ng pampublikong aklatan. Hindi niya ako napansin ngunit napansin ko na siya ay umiiyak. Tinignan ko ang bulsa ng aking bag. Nandoon ito. Kinuha ko ito at lumapit kay Shine.

“Laro tayo!”
“Huh? Ikaw pala. Sige, bakit hindi?! hahahaha”

Sa wakas ay nakita ko uli siyang tumawa. Oo. Inalok ko siyang maglaro ng jackstone. Parang nitong gabing ito ay sinisimulan namin muli ang aming pagkakaibigan.

“Shine,”
“Ano yun?”
“Shine, ano bang problema mo? Alam kong meron kang problema kaya huwag ka nang magkaila.”
“Sige. Suko na ako. Sasabihin ko na. Naaalala mo nung recognition say natin last year?”
“O, anong tungkol don?”
“Wala don ang mommy at daddy kaya nga di ba sa mommy mo ako nagpasama sa stage?”
“uhu”
“Well, ang excuse ni Mommy nagkaroon daw ng emergency meeting sa opisina concerning yung ikalalago ng kumpanya. Inintindi ko yun. Si daddy naman, may appointment daw siya sa isang mahalagang tao. Mas mahalaga pa ba yun kesa sa akin? Yun din, inintindi ko! Tapos nung bakasyon, nung may business trip si mommy, nagsising ako ng madaling araw kasi may nag-door bell. Sumilip ako sa hagdan, si daddy yung nagbukas. Isang babae ang nasa pintuan at hinalikan siya ni daddy.”
“talaga?!”
“Mukhang kabit ito ni daddy at sinamantala niya ang absence ni mommy.”
“sige, huwag kang mahiyang umiyak. Ilabas mo lahat ng hinanakit mo. Tandaan mo, kapag sinabi mo sa akin ang problema mo, magiging kalahati na lang ang dinadala mo dahil ang kalahati ay napupunta sa akin. Masaya ako kung kahati mo ako palagi. Sa saya man o sa lungkot. Nandito ako palagi.”

Oo, iyon yung problema niya. Inisip pa nga niya na yung importanteng tao na pinuntahan ng daddy niya e yung babae na yun. Siyempre, magdamag siyang umiyak sa akin. Niyaya ko na siyang umuwi pero ayaw niya.

“Uwi na tayo. Gabi na kasi e.”
“Ayaw kong umuwi sa amin. Pwede bang sa inyo na lang ako matulog?”
“Sige, walang problema yun sa akin. Tawagan mo na lang ang parents mo para alam kung nasaan ka.”
“Huh? Ayoko. Ayoko muna silang kausapin. Please?”
“O sige, ako na ang kakausap sa kaniya.”

Umuwi na kami sa bahay. Kaya lang may narinig kami sa labas ng aming pintuan. Nag-uusap sina mommy, daddy, at mga magulang ni Shine. Naknig muna kami ng usapan nila dahil hindi ito mapipigilan.

“Siguro naglayas yung anak namin kasi wala na kaming time para sa kaniya.”
“Baka nga alam na niya e.”
“Anong alam niya?”
“Na meron na kami parehong ibang partner.”
“And we want to tell her na ayos na ang divorce paper namin ng daddy niya.”
“Di kaya it’s too much for her young age?”
“Hindi po tita, nailabas ko na yung sama ng loob ko. Buti na lang nandiyan si Ness para damayan ako. Alam ko na ang lahat. Ness…”
“sige na akyat ka na. Sunod ako sa’yo. Sige po, akyat na ako.”
“Sandali, Vanessa! Maaari mo bang sabihin kung anong alam ng anak ko?”
“Sige ho. Nung una, bago kami makarating dito, ang alam lang niya is her dad is being unfaithful to his wife. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon. Nalaman niya na pareho kayong nagiging unfaithful sa isa’t isa. Yun lang, good night.”

“Shine? Shine? Nasaan ka? Shine! Mommy! Daddy! Tito! Tita! Halikayo! Si Shine!”
“Anong nangyari sa anak ko?”
“Dalin natin siya sa ospital!”
“Naglaslas siya!”

Naglaslas si Shine dahil hindi niya nakayanan na divorced na ang mga magulang niya. Mga magulang na sobra ang pangangaral sa kaniya. Mga magulang na para sa kaniya ay perpekto. Mga magulang na di niya akalaing magdidivorce.

Nabuhay si Shine pero di pa siya nagkakamalay. Buti na lang at walang pasok. Mababantayan ko siya. Gusto ko pag nagkamalay na siya, ako ang una niyang makita. Kasi pagsasabihan ko pa siya! Nakatulog na ako na hawak ang kamay niya.

“Ness? Ness?”
“huh? Shine? Shhh… Huwag kang magsalita. Makinig ka sa akin. Bakit tinangka mong magpakamata? Hindi gagawin yun ng Shine na kilala ko.”

Hindi ko napigilang lumuha.

“Anong magagawa ng patawad mo? Paano kung di ka na naagapan?”
“Galit ka?”
“Oo, galit ako. Galit ako sa sarili ko dahil di kita sinamahan pag akyat.”
“Hindi, huwag mong sisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan dahil ako ang gumawa. Nakalimutan ko rin na nandiyan ka Ness.”

“Wag na kayong magtalo. Walang ibang may kasalanan kundi kami ng mommy mo Shine.”
“Kayalang intindihin mo naman kami anak.”

“Shine, huwag ka nang magsalita. Ako nang magsasalita para sa’yo.”

At ako na nga ang nagsabi ng side niya. Hindi pa rin nabago ang isip ng mga magulang ni Shine na mag-divorce pero nakatutuwa silang pagmasdan habang nagrereconcile sila sa isa’t isa. Napagkasunduan na bahala si Shine kung kanino siya sasama. Kung sa daddy niya, mananatili siya sa bahay nila ngayon. Pero kung sa mommy niya, aalis sila ng bansa papuntang California. Siyempre, sa momy niya siya sasama kasi doon siya mas malapit.

Makalipas ang isang linggo, nakapagdesisyon na si Shine.

“So, sasama ka pala sa mommy mo.”
“Oo. Mamimiss kita!”
“Ako rin. Huwag mo kong kalimutan ha.”
“Bakit naman kita kakalimutan?”
“Ba, malay ko sa’yo!”
“Paalam.” (Nagkasabay kami sabay tawa)
Hahahahaha

Pasukan na. Dalawang buwan nang di ko nakikita si Shine. Ano na kayang ginagawa niya doon? Habang tinitignan ko kung anong section ko, may pangalang nakatawag pansin sa akin.

“De Leon, Sunshine. De Leon, Sunshine? Si Shine yun! Teka. Lorenzo. Lorenzo, ayun! Lorenzo, Vanessa! Magkaklase kami ni Shine!”

Sa silid aralan, hindi ko makita si Shine. Dumating na kaya siya? O ibang shine yun? Sana siya yun. Ilang sandali pa, may kamay na lumapit. May dala itong jackstone.

“Gusto mo laro tayo?”
“Shine!”
“Ako nga!”
“Akala ko do’n ka?”
“Di ko nakayanan yung lamig eh!”
“Ay nako, palabiro ka talaga!”
“Hindi, totoo yun! Hindi ko talaga kaya doon kaya lang hindi dahil sa lamig. Hindi ko kayang mag-isa kaya bumalik na lang ako dito.”
“Salamat!”
“O ano, maglalaro na ba tayo o ano?”
“Lika na nga!”

–FIN–

2002: Ang Kabataan Noon at Ngayon

April 6
“Ang mga kabataan ngayon ay ibang-iba kaysa sa mga kabataan noong aking panahon.” Iyan ang laging sambit ng lola sa akin. Nag-iiba-iba raw sa bawat pagbabago ng henerasyon. Ika nga ay sumasabay sa pag-ikot ng mundo. Ngunit grabe na raw talga ang ipinagbago ng mga kabataang tulad ko. Nood daw, hindi makapagsalita ng pabalang ang mga kabataan. Mayroon silang malaking respeto sa mga nakatatanda pati na sa mga nakababata. Pinahahalagahan din daw nila ang kanilang edukasyon. Gagawin pa raw nila ang lahat para makapag-aral. Hindi katulad ngayon, nandiyan na sa harap nila ang pera, ayaw pa ring pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

Minsan naitatanong ko sa aking sarili kung bakit ng ba halos lahat ng kabataan ngayo ay pabaya, di lamang sa pag-aaral ngunit pati na rin sa kanilang pananalita, kilos at kabuuang pamumuhay. Dahil ba sa paglipas ng panahon? Dahil ba sa pinakabagong teknolohiya? Dahil ba sa pinakabagong uso? O dahil ba sa mga nakatatanda na rin na nagpapatakbo ng ating mundo? Minsan gusto kong bumalik sa panahon upang ako mismo ang makasaksi sa kaibahan noon at ngayon. Subalit, minsan din ay parang alm ko na ang kaibahan. Noon siguro madalang ang mga kabataan na nagsasalita ng di maganda. Ngayon kasi ang daming mga kabataang nagsasabi ng mga ito kahit di nila alam ang nais iparating. Naririnig nila ito mula sa mga nakatatanda sa kanila. Hanggang sila ay maging isang responsableng mamamayan, marahil di na nila ito maiaalis.

Kung ganito na ang mga kabataan ngayon, paano pa kaya sa gma darating na ibang henerasyon? Mabago pa kaya ang mabilis na pagbabago sa pamumuhay nila? Paano pa sila magiging pag-asa ng bayan?

2002: Mother Nature

First written: January 15
Revised and rewritten: January 18
Oh Mother Nature
You’re so beautiful
With high mountains and deep oceans
No one can top you

The flowers oh so fragrant
The trees so high
The sun shining so bright
The air so cool and fresh

The soil so rich
The leaves so green
Oh Mother Nature
You’re the greatest!