April 30
Sa mundong ito, laging may kaguluhan. Mga batang palabuy-laboy lamang sa mga kalsada. Mga sindikatong gumagawa ng iba’t ibang ilegal na bagay. Mga babaeng lulong sa prostitusyon. Mga taong lulong sa iba’t ibang bisyo. Ultimo mga lider sa ating bansa ay namumuno rin sa mga kaguluhan.
Sa mundong ito rin ay maraming mga tao na bulag at nagbubulag-bulagan sa gma nangyayari sa mundong ibinigay sa atin. Ang mga taong ito ay walang pakialam sa iba basta’t mabuhay lang sila. Di nila alam na sa walang kaalaman nila sa mundong kanilang kinagagalawan ay ang siyang hahatak sa kanila papunta sa kanilang katapusan.
Ang mga taong ito ay karamihang mga taong sakim. Mga matatanda na o yung mga taong nasa adult life na. Buti pa ang mga bata. Mulat ang kanilang dalawang mata sa katotohanan. Ang katotohanang hindi madaling mabuhay dito sa gitna ng mga kaguluhan.
Siguro’y aayos lang ang mundong ito kung lahat ng tao’y magtutulungan sa ikaaayos ng gobyerno at siguradong kahit papaano ay magbabago ang mundo. Ngunit di pa rin siguro mawawala ang mga taong sakim. Dahil dito sa ating mundo ay may iba’t ibang klaseng tao.
Leave a Reply