A Quest

understanding reconstructions in life

pango’tob, fatek’ at bato

pango’tob: salitang galing sa mga Manobo

fatek’; bato: mga salitang galing sa mga Ifugao

Ang tatlong salita ay may iisang kahulugan–tato, o tatoo sa Ingles. Ang pagkakaroon ng katawagan sa isang bagay sa isang kultura ay nangangahulugang may malaking bahaging ginagampanan ito sa mga taong bahagi ng kultura. Dahil kitang-kita namang parte ito ng mga buhay ng ilang mga Pilipino (at marahil ay hindi lamang ng mga Manobo at Ifugao) ang pagtatato. Ang mga tatong ito ay sumisimbolo ng kagitingan, at kaakibat din nito ang kapangyarihan.

Ngunit sa kasalukuyan, nakakalungkot mang sabihn subalit totoo, na ang pagtatato ay may negatibong kahulugan. Nakakabit ito sa mga sanggano, preso at durugista. Sa ibang sabi, ang mga taong may tato ay iyong mga taong walang magagawang mabuti. Maraming mga tao ang may pagtingin na madumi ang magkaroon ng tato at ito ay simbolo ng hindi pag-galang sa katawan. Mayroon namang ihinahanay ang pagtatato sa sining*. Kahit ano pang sabihin, masasabing nawala na nga ang orihinal na katutubong kahulugan ng ritwal na ito.

Ang pagpapalagay ng tato ay isang panghabang-buhay na desisyon. Hindi kasi ito natatanggal, at masakit ang proseso ng pagpapalagay nito. Sa makabagong panahon, lahat ng mga bagay ay napapadali–mabilis ang mga bagay, ngunit hindi pangmatagalan. Kapag ganito kasi, mas marami ang kita. Ganito rin ang nangyari sa tato, sa “katauhan” ng Henna. Mas madaling paraan ng pagpapatato, walang sakit na kaakibat, at nabubura. Kumbaga talagang disenyo lang siya sa katawan.

Sa mga ganitong pangyayari, tuluyan nang nalimot ang kahulugan at kabuluhan ng mga pango’tob, fatek’ at bato.

*kahit ang sining ay naiba ang kahulugan–naging translation siya ng “art” ngunit kung tutuusin, ang sining ay sinaunang salitang Tagalog na kapag sinabing “pagsining-siningin” ay may kahulugang pag-isip-isipan, pagnilay-nilayan o pagmuni-munihan.

No comments yet»

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: