A Quest

understanding reconstructions in life

2001: Untitled III

November 5

Mga guro, tinuturing na pangalawang ina
Ginagawa ang lahat upang tayo’y matuto
Dugu’t pawis ang inalay
Makapaglingkod lamang
Sa mga batang mangmang
Gusto nilang makapagturo
Upang maglaho ang mangmang sa mundo

Nugnit di na maglahu-laho ang mga mangmang
Sa kagagawan din nila
Dahil ibinibigay na nga sa kanila ang oportunidad na makapag-aral
Ayaw pang tanggapin
Madalas na ganoon ang mga mayayaman
Ang mga mahihirap na gustong makapag-aral
Hindi makamit-kamit

Bakit ganito ang mundo
Kung sinong gustong mag-aral
Iyong di nakapag-aaral
At kung sino nman ang may kakayahang mag-aral
Siyang di ito pinahahalagahan
Kawawa naman ang mga batang paslit
Kaya dumarami ang mga kriminal

Kailan kaya magbabago ang mga tao?
Maraming ayaw mag-aral
Ngunit ang iba
Malilihis lamang ng landas
Dahil na rin sa mga magulang
At sa kanila’y nagrerebelde
Ngunit pag nahili nila ay hindi nila alam ang dahilan

Ang ma guro, gustong makatulong
Sa mga batang naliligaw ang landas
Susubukan ang lahat upang tumino ang batang nalihis
Ang mga magulang
Dapat intindihin
At kung walang pera, sila’y masungit
Dapat din natin silang kausapin kung may problema

Para sa mga guro
Salamat, salamat sa lahat ng inyong ginawa
Alam kong kayo’y pagod na
Ngunit ayaw tumigil para sa mga bata
Maraming salamat sa iyong pag-intindi
Nguinit kahit ika’y nagagalit mahal pa rin kita
Sapagkat alam kong iyo’y para sa akin

Para sa aking mga magulang
Salamat, salamat din sa lahat
Simula na ako’y nabio, di nyo ako pinabayaan
Ngunit pasensya na rin po kayo
Kung ako’y naligaw
Napakarami lang kasing katanungan
Ang umiikot sa aking utak.

Sa lahat ng tumulong
Upang ako’y matuwid
Salamat, maraming salamat
Maraming salamat sa lahat ng suporta
Na inyong ibinigay
Di ko kayo malilimutan
Kayo nga’y tunay na kaibigan

Disclaimer: I’m not speaking for myself but for all children and teens who rebelled

No comments yet»

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: