A Quest

understanding reconstructions in life

2007: The Cup

January 29
Araw-araw, hindi pa pumapalyang iparamdam sa akin ng Diyos kung gaano Niya ako kamahal. Nagsasalita Siya sa lahat ng taong nakapaligid sa akin, sa aking mga babasahin, at pati na rin sa mga simpleng pangyayari sa aking buhay.

Noong nakaraang lingo, nakausap ko ang isang kaibigan. Matagal na talaga kami hindi nakakapag-usap at kung hindi pa kami magtatakda ng araw kung kalian mag-uusap, hindi namin malalaman kung kumusta na nga ba ang isa’t isa.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon na ginamit Nya ang kaibigan ko upang maiparating ang kaniyang mensahe. Sinabi kasi ng kaibigan ko na meron siyang napagtatanto, at paulit-ulit na pinapa-realize sa kaniya ang bagay na iyon, at nagiging mas malalim ang kaniyang pagkakaintindi dito sa bawat pag-ulit. Sinabi niya na kung sino pa yung mga taong laging napupuri dahil sa kagalingan ng Diyos sa kaniyang buhay, yung inaakala ng mga tao na may napakalalim na pag-iisip at pag-unawa sa mga bagay-bagay, sila pa yung pinaka-walang laman. Empty. Nagiging kapuri-puri sila sapagkat hinahayaan lang nila na ang Diyos ang magpuno sa kanilang kakulangan.

Oo nga naman. Naisip ko tuloy ang isang totoong baso. Kung magtitimpla ka ng gatas, kahit gaano karaming powder ang ilagay mo, hindi siya mapupuno hanggat di mo nilalagay ang tubig.
Napakagaling talaga ng Diyos. Totoo nga na He is a “redundant God” at mahilig Siyang magpaulit-ulit ng mga mensahe. Ginamit naman Niya ngayon yung pari noong ako’y nagsimba. Ikinuwento kasi nung pari noong bago pa lang siya gagawing pari. Sabi niya sa kaniyang nakatataas, hindi pa siya handa, na sa tingin niya, hindi pa siya karapat-dapat gawing pari, kulang pa ang kaniyang pag-aaral. Isa lang ang sinabi ng Obispo sa kanya, “wag kang matakot, hayaan mong ang Diyos ang magpuno ng mga pagkukulang mo.” Ang galing di ba?

Dahil dito, naalala ko yung kantang “Follow You.” Sabi kasi doon, “…my soul longs for You, my God. You fill me to the brim, my cup, overflows! Make me Your servant…” Sinabi sa kanta na pinupuno tayo ni God hanggang umapaw. At dahil dito, wala na tayong mas gugustuhin pa kundi ang magsilbi sa Kaniya.
Hindi ko napigilang mag-isip. Ano kaya yung “cup” natin? Ano yung bagay na pinupuno ng Diyos ng pagmamahal Niya?

Mabilis nasagot ang tanong na ito. May pinuntahan ako isang araw at doon narinig ang sagot. Ang “cup” natin ay ang ating paghihirap – sufferings. Habang lumalapit tayo sa Panginoon, mas maraming paghihirap ang ating nararanasan, mas lumalaki ang baso, lumalalim ang butas. Dahil dito, mas malaking espasyo ang hinahayaan nating mapuno ni Kristo. Samakatuwid, mas nabibigyan natin Siya ng parangal dahil nahahayaan natin Siyang gumalaw sa ating buhay, hinahayaan natin Siyang gawing kalakasan ang ating kahinaan.

Tanging si Kristo lamang ang makakakumpleto sa akin.

No comments yet»

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: