A Quest

understanding reconstructions in life

2008: SHOUT Series: tubig at ihi

Ang tubig na ating iniinom ang naglilinis ng loob ng ating katawan, at inilalabas ito sa pamamagitan ng pag-ihi. Kapag mas madalas tayo uminom, mas madalas din tayo umihi, at sa bawat ihi, palinis ito ng palinis. Kapag tayo’y nauuhaw, ang pinakamaganda pa ring pampawi ng nito ay ang tubig at hindi ang kung ano mang inumin.

Hindi maganda pigilan ang pag-ihi sapagkat inilalagay natin ang ating sarili sa posibilidad ng pagkakaroon ng impeksyon sa daluyan ng ihi (UTI sa Ingles). At kahit gaano natin katagal pigilan ang ating pag-ihi, lalabas at lalabas pa rin ito, kahit na hindi pa tayo handa (dahil wala pa tayo sa tamang lugar). Kapag nailabas natin ito, napakasarap ng pakiramdam dahil ang laking ginhawa ang idinudulot nito.

Gayundin naman kapag nililinis tayo ni God.

Noong tinusok si Kristo sa tagiliran, dugo’t tubig ang lumabas. Sinabi ni Max Lucado sa isa sa mga libro niya na ang dugo ni Kristo ay ang sakripisyo ni Kristo samantalang ang tubig ay ang Espiritu Santo na gumagalaw sa atin. Ang tubig ay ang gawain Niya sa ating mga buhay. Nililinis Niya tayo, binabago. Ngunit tulad ng pag-inom ng tubig, kailangang piliin natin ito.

Kapag nililinis tayo ni God, hindi natin pwede pigilan ang paglabas ng dumi mula sa ating katawan. Lalabas at lalabas ito, kaya’t hindi na dapat pigilan. Kapag pinigilan pa, inilalagay natin ang ating sarili sa isang sitwasyon ng paghihirap na hindi naman talaga kailangan.

Sino tayo para pigilan ang pagmamahal na ibinibigay ng ating Ama sa langit?

No comments yet»

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: