A Quest

understanding reconstructions in life

sariling buhay

Lumaki ako sa isang kapaligiran kung saan mahalaga ang pagkakaroon ng sariling buhay ng isang indibidwal. Sa mga desisyon, ako ang bahalang gumawa, kasi nga, sa aking buhay naman mangyayari yun, andun lang ang mga tao sa aking paligid upang humalili.

Naalala ko noong bata pa ako, lagi kong naririnig na may sarili akong buhay, na hindi ako dapat magpa-apekto sa mga nangyayari sa buhay ng aking mga kamag-anakan, kasi iyong mga “pag-rerebelde” ay sa akin lang din makasasama, at hindi sa kanila. Ako’y naniwala, at wala nga akong pakialam sa mga desisyong ginawa nila, may sarili akong buhay.

Kaya nasanay akong pumipili ng mga gusto ko, at ginagawa ito.

Mga ilang araw na ang nakakaraan, narinig ko ang sinabi ng isang malapit sa aking buhay, “baka kasi magalit sila sa’kin kapag ginawa ko yun.”

Totoo namang ang bawat desisyon natin ay may kaakibat na responsibilidad. Sa pag-dedesisyon, hindi lang ang ating sarili ang ating iniisip, kundi pati na rin ang mga taong nakapaligid sa atin, lalung-lalo na ang mga pinakamalalapit. Hindi natin pwedeng sabihin na tayo lang ang apektado ng desisyon na ito. Sa kaso ng desisyong nabanggit ko sa itaas, isinaalang-alang niya ang mararamdaman naming pinakamalalapit sa kaniya, lalung-lalo na dahil ang desisyong iyon ay may dawit na isa pang malapit na tao.

Hindi ako nakapag-salita noong sinabi niya yun. Hindi ko kasi alam noong mga panahong iyon ang sasabihin. Kinabukasan ko na naisip ang maaari kong sagot. Tulad ng pagpapalaki sa amin, at tulad nga rin ng sabi ng isa pang malapit sa aking buhay, “malaki na siya.” Tama, malaki na silang dalawa. May sarili naman silang buhay, at may sarili akong buhay. Totoong makakaapekto iyon sa iba’t ibang mga bagay na hindi ko mawari lahat kung ano, ngunit hindi nito mababago ang aming koneksiyon sa isa’t isa. Hindi mababago ng isang pirasong papel ang ugnayan namin sa isa’t isa.

Tama naman. Ngunit naisip ko, ganoon pa rin kaya ang magiging opiniyon kung totoo ngang nangyari iyon?

1 Comment»

  akiro wrote @

nice


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: