A Quest

understanding reconstructions in life

2007: Pangalan

May 26
Ako si Anna Karla. Tinawag akong Anna ng mga kaklase ko noong elementarya. Makulit sila kahit na ang pakilala ko ay Karla. Iyon kasi ang tawag sa akin sa bahay. Siyempre, gusto kong tawagin ako doon sa kung saan ako mas sanay. Sinabi ko na lang sa sarili ko, bahala na. Ako pa rin naman yung gusto nilang tawagin.

Lumipat na ako ng eskuwelahan noong High School. Karla ang pakilala ko, at buti naman, Karla ang itinawag nila sa akin. Nang tumuntong ako ng kolehiyo, Karla rin ang aking pakilala. Ngunit mayroon akong nakilalang bininyagan ako ng panibagong pangalan – Karlings. ‘Yan tuloy, karamihan ng mga kasama ko doon sa grupong iyon ay Karlings ang tawag sa akin.

Yung isa kong kong kaibigan, pinapaiksi yung Karlings, tawag niya sa akin, Karly. Hahaha! Nakakatawa talaga ang mga pangalang ibinibigay nila sa akin. Hindi man talaga sila ganoong ka-siya-siya, ako pa rin ang tinutukoy ng pangalang iyon.
Mayroon namang isang kuya na tinatawag niya akong KC – Karla Capco. Ok lang din sa akin, ako pa rin yun. Hehe..

Bilang Karla, marami akong ka-pangalan. Noong elemetarya, hay skul, sa YFC. Buti ngayong kolehiyo, wala masyadong Karla na nakakasama ng matagal. Nagkakaroon kasi ako ng problema pag ganun. Na-i-insekyur ako. Marahil ay nadala ko na ito mula pagkabata. Kapag kasi may ka-pangalan ako at iisang espasyo lamang ang aming ginagalawan, doon ako mas nagiging consyus.

Paano?

Paganhin natin ang ating mga imahinasyon. Sabihin nating may kapangalan ka at nasa iisang kuwarto lang kayo. Tapos, kapag tinatawag ang iyong pangalan, hindi ikaw ang tinutukoy. Kung lagging ganoon, or mas madalas kang mapahiya dahil lilingon ka ngunit di naman ikaw ang tunay na tinatawag, hindi ba masasaktan ka kahit kaunti?

Tulad ng sabi ko, produkto ito ng aking pagkabata. Ang dating sa akin ng sitwasyon kanina ay mas nagugustuhan siya ng mga tao kaya’t siya yung lagging tinatawag. Hindi ako ganoong ka-“desirable” upang tawagin ng mga tao at kausapin.

Isip iyon ng isang batang naghahanap ng pag-mamahal.

Sa isang banda, hindi naman dapat manatili na lamang sa ganoong pakiramdam. Kailangan itong malampasan, kailangang mabago. Dahil sobra-sobra ang pagmamahal na natatanggap natin mula sa Maykapal, dapat lamang na mapanatag na ang batang nasa loob ko.

Totoo nga ito. Pinuno na ng Panginoon natin ng Kaniyang pag-ibig ang puso’t isipan ng batang ako. Sabi Niya, “Sa mata ng maraming tao, ikaw si Karla. Sa mata ng mas maraming tao, katulad ka rin ng iba. Ngunit sa mata ko, ikaw si Karla na pinakamamahal ko, sandamakmak man ang Karla sa mundo, iisa ka lang na minamahal ko ng tulad ng sa iyo, iisa ka lang na hinuhulma ko sa paraang katulad ng sa iyo. Tanggapin mo ang kapayapaan sa aking pagmamahal.”

Hindi ba’t napakagaling talaga ng Diyos?!

Ako si Anna Karla. Marami akong kapangalan, bilang Anna, at bilang Karla. Ngunit nag-iisa lamang akong si Anna Karla Capco y Lorenzo.

No comments yet»

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: