A Quest

understanding reconstructions in life

2007: Kwento ni Kuya

July 9

“May isang bata. Pinabit-bit sa kaniya ni Jesus yung isang malaking cross. Mabigat yun, siyempre. Mahaba na ang nilakad niya at hirap na hirap na siyang buhatin ang cross nay un.

“‘Pwede kayang bawasan ko itong cross na ‘to para mas gumaan kahit papaano?’ tanong niya sa sarili. Hindi naman niya masasagot iyon, kaya’t itinanong niya sa nagpabuhat -si Jesus.

“‘Jesus! Pwede ko bang bawasan sa ibaba ‘tong cross na ‘to para mas gumaan yung binubuhat ko?’

“Ang sinabi ni Jesus, ‘Ikaw ang bahala. Basta may purpose yan.’

“Inisip ng bata na ok lang sapagkat di naman siya pinagbawalan. Kumuha siya ng lagare at saka binawasan ang dulo ng cross. Matapos niyang bawasan ang dala niya, natuwa siya dahil mas dumali ang kaniyang paglalakad.

“Ilang saglit pa, nakarating siya sa isang bangin. Hindi niya alam kung paano tatawid sa kabila, kaya’t lumingon siya sa mga kasamahan niyang naglalakad. Nakita niyang ibinababa ang kani-kaniyang cross at saka ibinabagsak – sakto! Maaari nang gamitin ang cross upang gawing tulay.

“‘Ayun! Gagawin ko rin ‘yun!’ sabi niya sa sarili. Ibinaba niya yung cross at ibinagsak. ‘naku, kapos!'”
—-
Ginamit ni kuya iyang kuwento noong nagsalita siya sa nakaraang Kasangga Retreat. Bandang una niya ito ikinuwento at mula noong ikinuwento niya ito, hindi ito tumigil sa pag-ikot sa aking isipan. Maraming katanungang hindi ako pinatahimik. Yung papel na para sa notes ko ay punung-puno ng mga bagay tungkol sa istoryang ito. Bitin na bitin kasi ako.

Ano kayang sasabihin ni Jesus sa bata? “sabi ko sa’yo?” Anong gagawin Niya? Anong maaaring gawin nung bata? Pwede kaya niyang balikan yung pinutol niya? Andun pa kaya yun? Maaaring wala na. Paano gagawin niya kung wala na yun? Pwede kayang dinala iyon ni Jesus nang di nalalaman nung bata? Siyempre, dahil lagi namang nasa tabi natin si Jesus, hindi naman iiwan ni Jesus yung bata at pabayaang hindi makatawid.

Habang binubuhat iyong cross, lumalaki rin ang katawan ng nagbubuhat ditto dahil sa bigat niya. Maaaring dahil hindi niya binuhat nang buo yung cross na meron siya, hindi pa natapos ang paghulma sa bata. Dahil sa pagkakamaling iyon, kailangan pa niyang mas tumagal sa yugtong iyon, at hindi siya makakatawid papunta sa kabila hangga’t hindi niya iyon naibabalik sa kabuuan ng cross. Kung paano niya iyon gagawin, hindi ko alam.

Habang nag-sasalita si kuya, umiikot lahat ng ito sa aking isipan. Hindi ko mawari kung bakit ang isang simpleng kuwentong kagaya nito ay kayang-kayang bulabugin ang aking balintataw. Ako’y nagdasal, nagtanong kung bakit pumapasok sa isipan ko ang mga bagay na ito. Ilang saglit pa, pumasok na si Doyle at sinimulan na ang praisefest. Doon, mas nagdasal ako at naghanap ng kasagutan sa aking mga katanungan.

Tunay ngang may dahilan kung bakit binagabag ako ng kuwentong iyon sapagkat iyon ang aking kuwento. Minulat nito sa katotohanan ang nagbubulag-bulagang kong mga mata. Hindi ko dapat ipinagsasantabi ang mga bagay na nakakasakit sa akin. Kailangang maintindihan kong parte iyon ng cross na kailangan kong dalin. Maaaring naging payapa ang aking kalooban noong idinagdag sa aking cross ang parte na ngayo’y aking “pinutol” at unang sinabi sa akin ni Jesus na katabi ko lang Siya, walang dapat ikabahala. Subalit habang nagtagal, dahil talagang naging mabigat siya, di ko napansing unti-unti ko na pala siyang pinutol, iniwan. Pinaalala lang sa akin ngayon na hindi dapat ipagsan-tabi ang bagay na ito, gawan na ng paraan, sapagkat hindi ako makakarating sa susunod na yugto, hindi magiging kumpleto ang pag-hulma sa akin sa yugtong ito hangga’t di ko na-reresolba ang bagay na iyon, hanggang di ko pa natatapos ang nais ipagawa sa akin patungkol sa bagay na iyon.

Hindi ko alam kung paano ibabalik noong bata ang parteng kaniyang pinutol. Ngunit isang bagay lang ang aking sigurado. Hinding-hindi pababayaan ni Jesus ang batang iyon. Hindi matanaw ng aking imahinasiyon kung paano ipakikita ni Jesus ang kaniyang kapangyarihan at pagmamahal sa sitwasyong ito.

No comments yet»

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: