A Quest

understanding reconstructions in life

2006: Isang Pagbabalik-Tanaw

Ito na marahil ang huling blog ko sa taong 2006. wala nang mas angkop na entry kundi ang pagbabalik-tanaw sa matatapos na taon. Hindi naman sana maging masyadong mahaba ang pagbabalik-tanaw na ito. Marami pa rin kasi akong babasahin at gagawin para sa pagbubukas ng klase.

Maraming nangyari ngayong taong ito. Nahigitan pa ng Space Shuttle sa Enchanted Kingdom ang taong ito sa dami ng nakakaexcite na mga bagay at pati na rin sa mga biglang pagbaba at pagtaas ng aking sinasakyan. Tulad din ng Space Shuttle, hindi ako iniiwan ng mga kasama ko (para namang pwede nilang piliing umalis sa tabi ko).

OK. Tama na ang pagpapaliguy-ligoy pa.

Marami akong natuklasan ngayong taong ito. Maraming sinabi si God sa akin. Ang 2006 message?

Sensitivity.
Natutunan kong maging mas sensitibo sa mga bagay na nakapalibot sa akin. Laging magkaroon ng bukas na mga mata at tenga, higit sa lahat, isang bukas na puso. Lahat ito ay para makuha kung anong sinasabi ni God sa iba’t ibang pangyayari, lalung-lalo na sa mga pagkakataong mas madaling makita at marinig ang mga negatibong bagay na lalo lamang makapagpapalugmak sa akin at sa ibang tao.

Ngayong taon, binayayaan niya ako nang maraming bagay. Hinayaan niya akong makakilala ng mga taong tila anghel na gumagabay sa akin. Talagang nagpapasalamat ako kay God dahil dito.

Dahil tinuruan (at patuloy na tinuturuan) ako kung paano mas maging sensitibo, naramdaman ko ang mga kamay ni God na gumagalaw at unti-unting sinasagot ang matagal ko nang panalangin. Inihahanda niya rin ako sa malaking plano niya para sa aking buhay.

Ngunit hindi lahat ay masayang istorya ang taong ito. Maraming pagkakataong ako’y napagod, tila sinisipsip sa akin ang lahat ng aking enerhiya. Nagsimula ito noong isang event namin noong Mayo sa Layforce. Matapos ang event na ito, talagang pagud na pagod ako, at tila di na ako naka-recover pa. sunud-sunod na binato ako ng mga oppressions. Pinipilit ko tumayo ulit, pero ilang minuto pa lamang ako nakatayo, biglaan na naman akong madarapa.

Maraming katanungan ang bumalot sa aking pagkatao. Marami sa mga katanungang ito ay hindi pa rin nasasagot. Hinahangad kong masagot ang mga ito upang mas lalo pang lumalim ang aking pananampalataya. Ngayong taong ito, paboritong target ang pangalan ko sa dula noong ika limang HS Con.

Faith.
Siguro, tinatawag ako ni God upang mas maging faithful sa kaniya, tulad ng pagiging faithful ni Gideon noong binawasan nang binawasan ang kaniyang mga tauhang lalaban sa mga Midianites. Maging faithful tulad ni Gideon na kahit mga jars at trumpeta lamang ang kanilang sandata ay nagpatuloy pa rin sa kanilang pakikipaglaban.
Siguro naging (nagiging?) matigas lang ang ulo ko. Stubborn. Oo. Marahil nga.

Ngayong malapit na matapos ang taon, ako’y naglalayong makabalik sa karerang aking sinalihan. Nawa magkaroon ulit ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili na kayang kong gawin ito dahil higit sa lahat, hindi ko naman talaga karera ito, ngunit karera ng Diyos.

I would never doubt myself anymore. Sinabi ko ang linyang ito noon. Pero patuloy ko pa ring ginagawa. Ayaw ko nang kuwestiyonin ang kakayahan ko sapagkat sa bawat pagkuwestiyon ko sa aking sarili, kinukuwestion ko rin ang kakayahan ng gumawa sa akin, si God.

Hinihiling at ipinagdarasal ko lang na nawa’y maisapuso ko talaga lahat ng mga mensahe sa akin ni God sa nakalipas na taon, mula sa aking mga klase, hanggang sa mga commercial na napapanuod ko sa TV.

Mas masaya ang pagsakay sa Space Shuttle kapag walang takot sa aking puso. Kapag walang takot sa aking puso, mananatiling nakabukas ang aking mga mata, mga tenga, at puso sa mga paikut-ikot na galaw nito. Makikita ko ang mga taong kagaya ko, at ang kapaligirang punung-puno ng makukulay na ilaw sa madilim na gabi.

No comments yet»

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: