A Quest

understanding reconstructions in life

2002: Ang Kabataan Noon at Ngayon

April 6
“Ang mga kabataan ngayon ay ibang-iba kaysa sa mga kabataan noong aking panahon.” Iyan ang laging sambit ng lola sa akin. Nag-iiba-iba raw sa bawat pagbabago ng henerasyon. Ika nga ay sumasabay sa pag-ikot ng mundo. Ngunit grabe na raw talga ang ipinagbago ng mga kabataang tulad ko. Nood daw, hindi makapagsalita ng pabalang ang mga kabataan. Mayroon silang malaking respeto sa mga nakatatanda pati na sa mga nakababata. Pinahahalagahan din daw nila ang kanilang edukasyon. Gagawin pa raw nila ang lahat para makapag-aral. Hindi katulad ngayon, nandiyan na sa harap nila ang pera, ayaw pa ring pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

Minsan naitatanong ko sa aking sarili kung bakit ng ba halos lahat ng kabataan ngayo ay pabaya, di lamang sa pag-aaral ngunit pati na rin sa kanilang pananalita, kilos at kabuuang pamumuhay. Dahil ba sa paglipas ng panahon? Dahil ba sa pinakabagong teknolohiya? Dahil ba sa pinakabagong uso? O dahil ba sa mga nakatatanda na rin na nagpapatakbo ng ating mundo? Minsan gusto kong bumalik sa panahon upang ako mismo ang makasaksi sa kaibahan noon at ngayon. Subalit, minsan din ay parang alm ko na ang kaibahan. Noon siguro madalang ang mga kabataan na nagsasalita ng di maganda. Ngayon kasi ang daming mga kabataang nagsasabi ng mga ito kahit di nila alam ang nais iparating. Naririnig nila ito mula sa mga nakatatanda sa kanila. Hanggang sila ay maging isang responsableng mamamayan, marahil di na nila ito maiaalis.

Kung ganito na ang mga kabataan ngayon, paano pa kaya sa gma darating na ibang henerasyon? Mabago pa kaya ang mabilis na pagbabago sa pamumuhay nila? Paano pa sila magiging pag-asa ng bayan?

About these ads

9 Comments»

  roan frialde alejo wrote @

Its nice and interesting.And its true kac halox lhat ng kabataan ngayon ay
iba-iba na ang sinasabing masama na nagmumula sa kanilang bibig.

hgsdhfgsha

  Trish Talavera wrote @

very well said

  dhezai wrote @

OO NGA tama ang mga sinabi ninyo, dahil po sa mga isinulat nyo dito ay nakatulong ito sa pag-gawa ng aking aralin tungkol sa mga ganitong bagay.
Sobrang totoo po nyan.Pati nga po mga batang nasa 5 tang gulang pababa ay nagagawa ng mag-sigarilyo at magrugby.

  Jessa de Guzman wrote @

maraming dahilan kung bakit ngiiba na ang pananaw ng mga kabataan ngayon at sna mbuksan ang isip nting mga kabataan sa pamamgitan ng sanaysay na Ito..
I pray na,above all,bksan ntin ung puso ntin kay Lord dhil xa lng ung my ka2yahan na bguhin ang buhay ntin..

  f.m. wrote @

sinong author nito?

  raalk wrote @

@f,m.: ako po, when I was 13 years old.

  mariz wrote @

tama..sbagay every people or youth have diff situation…pero mas marami sa atin ang iba ang mga kabataan..pero ako bilang isang kabataan..tama ang pagpapalaki sa akin ng aking magulang..kaya i proud of it..kaya kung sabihin sa aking sarili na.”.kabataan ang pag asa ng bayan”…

  Rein wrote @

Pwede ko pong gamitin yung talumpati niyo po para lang po sa Filipino subject namen? Sasabihin ko naman po kung sino yung nagsulat talaga ng talumpati :)

  raalk wrote @

Hi Rein. Sorry, ngayon ko lang nakita ang comment mo. Matagal kasi ako hindi nag-bukas. Nagamit mo ba?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: